Nawawalang lalaki, bangkay nang matagpuan sa Taal Lake sa Batangas
Isang bangkay ng lalaking matagal nang nawawala ang natagpuan na palutang-lutang sa Taal Lake sa Barangay Leviste, Laurel, Batangas, bandang alas-12 ng tanghali noong Disyembre a-21, 2025.
Kinilala ng Batangas Police Provincial Office ang biktima na si Harriz Orlanes, alyas “Tisoy,” 32-anyos, isang negosyante.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Laurel Municipal Police, ang bangkay ay unang namataan ng kaibigan ng biktima na si Adonis, na matagal nang naghahanap kay Orlanes matapos itong iulat na nawawala noong Disyembre a-19 habang sakay ng isang bangka.
Agad humingi ng tulong si Adonis sa Philippine Coast Guard na siyang nag-rekober ng bangkay at naghatid nito sa isang punerarya sa bayan ng Laurel.
Matatandaang ipinanawagan pa ng mga kaanak at kaibigan ng biktima ang pagkawala nito Balisong Channel News.
Ang biktima ay tubong Quezon City at kasalukuyang naninirahan sa Barangay Leviste. Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naturang insidente. | BChannel news | 📸 Philippine Coast Guard
About Author Balisong Channel NewsRelated Stories
Coast Guard Batangas, mas pinaigting ang inspeksyon ng mga Barko ngayong Semana Santa Balisong Channel News March 30, 2026 8 Bus Company sa PITX, inireklamo matapos magtaas pasahe Balisong Channel News March 30, 2026 Army Officer nasawi sa engkwentro laban sa NPA sa Occidental Mindoro; 1 NPA naaresto Balisong Channel News March 29, 2026You may have missed
Coast Guard Batangas, mas pinaigting ang inspeksyon ng mga Barko ngayong Semana Santa Balisong Channel News March 30, 2026 8 Bus Company sa PITX, inireklamo matapos magtaas pasahe Balisong Channel News March 30, 2026 Army Officer nasawi sa engkwentro laban sa NPA sa Occidental Mindoro; 1 NPA naaresto Balisong Channel News March 29, 2026 Pampasaherong jeepney tumaob sa Malvar, Batangas; 10 sugatan Balisong Channel News March 28, 2026 Promote your business effectively with Balisong Channel's advertising services. © Copyright 2021 Balisong Channel. All rights reserved. | MoreNews by AF themes. error: Copyright Protected by BalisongChannel NEWSWe use cookies to ensure that we give you the best experience on our website. If you continue to use this site we will assume that you are happy with it. Ok